kaarawan ni aguas!
kaarawan ni carlo nung sabado. tulad ng dati, andun na naman kami sa bahay nila sa ayala alabang kasama ng ibang barkada nya. kaming mga taga ateneo konti lang. ako si grace, si richelle, si jason at si marty.
masaya. pasado alas dose na yata e yung tingin sakin ni grace e yung tipong limang oras nalang at deadline na tapos, hindi ko pa ginagawa yung parte ko sa group paper. sabi ko nga sakanya: "grace! apat na taon na mula ng huling tinign mo ko ng ganyan!"
pero wala na din akong pakielam. sabi nga nya sakin sa kotse, delinquente na sya ngayon.
ayos.
inom inom inom inom inom. johnny walker black at green label, vodka cruisers, goldsclagger (spelling?). buti nga wala nung mga kung ano anong wierdong halo tulad nung isang taon. pero tinamaan din ako ng malakas. may ilang minuto sigurong pumikit lang ako hanggang naging normal yung tunog ng paligid at hindi plakang nala slow.
tapos tinapon nila ako sa pool. astig. sa susunod na taon kailangan magdala na ako ng pambihis.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home