green green green. ay mali orange pala!

Thursday, December 29, 2005

sony psp. live on your world. dance in mine.

i gots me a psp!!!!!

using it as a music player for now since i gave the ipod to my sister. i got the pack with a 1gig memory stick and no games. i dont like any of the games released now anyways. the only ones i would lke to get for now are armored core and lumines. upcoming lineup looks promising with a final fantasy title among them.

Tuesday, December 27, 2005

RIP Nanang Gards

sa lahat ng mga tiyuhin at tiyahin, sa inyo ni mamang Mala ako naging pinakamalapit. ilang taon din kayong lumaban sa sakit at sa pagkamatay ni mamang Mala. sana ngayon ay magkasama na ulit kayo kung saan wala nang sakit at kamatayan.

lahat kami ay nangungulila sa iyong paglipas.

Thursday, December 22, 2005

FOUND!!!

nakita na yung toolbox kung nasaan yung mga warmachine models ko.

saan?

sa isang kahon sa likod ng lababo sa 2nd floor ng garahe ng jeep namin kasama ng 2 baterya ng jeep (bago yung isa, yung nawala nung isang linggo) at ilan sa mga nawawalang tools.

hay salamat.

ngayon e naghihintay nalang ako ng blitang nagising syang kinakain ng mga itim na daga yung bayag nya at kumpleto na ang taon ko

Tuesday, December 20, 2005

isang huling...

PUTANGINA para sa taong ito!

tumama na sakin yung vat sa kuryente! samung libong piso kada buwan, nagtitipid na ko nun!

kaya heto na

isa

dalawa

tatlo

apat

lima

anim

pito

walo

syam

P U T A N G I N A ! ! ! ! !

ng lahat ng taga meralco, napocor, senado, kongreso, opisina ng presidente, lahat lahat!

Monday, December 19, 2005

kaarawan ni aguas!

kaarawan ni carlo nung sabado. tulad ng dati, andun na naman kami sa bahay nila sa ayala alabang kasama ng ibang barkada nya. kaming mga taga ateneo konti lang. ako si grace, si richelle, si jason at si marty.

masaya. pasado alas dose na yata e yung tingin sakin ni grace e yung tipong limang oras nalang at deadline na tapos, hindi ko pa ginagawa yung parte ko sa group paper. sabi ko nga sakanya: "grace! apat na taon na mula ng huling tinign mo ko ng ganyan!"

pero wala na din akong pakielam. sabi nga nya sakin sa kotse, delinquente na sya ngayon.

ayos.

inom inom inom inom inom. johnny walker black at green label, vodka cruisers, goldsclagger (spelling?). buti nga wala nung mga kung ano anong wierdong halo tulad nung isang taon. pero tinamaan din ako ng malakas. may ilang minuto sigurong pumikit lang ako hanggang naging normal yung tunog ng paligid at hindi plakang nala slow.

tapos tinapon nila ako sa pool. astig. sa susunod na taon kailangan magdala na ako ng pambihis.

Saturday, December 17, 2005

pwet talaga!

ayos. talagang wala dito sa bahay yung toolbox, wala sa tindahan, hindi ko rin naiwan kila gripal o sa pitshop.

problema ngayon e pupunta ba ko kila carlo mamaya na parang nawalan ng 15,000 pisong halaga ng mga miniature?

teka, nawalan nga talaga ako ng 15,000 pisong halaga ng mga miniature...

tangina ka talaga rey, sana mabulok ang kalahati ng titi mo, pati na ang isang bayag mo. sana hindi bumalik sayo yung mga ginawa mong pagnanakaw samin.

merry christmas emp.

Friday, December 16, 2005

tangina

nawawala yung toolbox ko. andun lahat ng cryx infantry ko, skarre, yung 3 witches (pero nasakin pa rin sa bahay yung egregore...), baboy (bloat) thrall, 1 pistol wraith, reaper helljack at croe's cutthroats.

hinala ko, yung driver namin na pinaalis namin kasi nagnanakaw ng mga spare parts at tools dun sa garahe ng jeep ng nanay at tita ko. sya lang ang laging nakabantay dun at tuwing may nawawalang gamit, pagkatapos ng ilang araw, nanlilibre sya ng driver, andaming pera. tapos nung sinabi kong nawalan ako ng sunglasses sa kotse ko, sobrang defensive sya e wala naman akong sinabi kahit kaninong pinaghihinalaan ko sya. hindi ko sya pinaghinalaan nun.

e ngayon, huli kong ginalaw yung toolbox ko, sunday, iniwan ko yun sa kotse ko. mula monday, siya lang ang gumagalaw ng kotse ko. pinaalis sya nung thursday. ngayon (friday) e nung tinignan ko yung kotse, wala na dun. nung tinanong ko yung katulong ko, nung wednesday palang daw e hindi na nya napansin yung toolbox sa likod (kung saan sya nauupo kasama nung nanay ko.)

nawala din yung inipit kong 500 sa loob ng glovebox. kami lang dalawa yung nasa kotse nung nilagay ko yun dun.

kasalanan ko na siguro na iniwan ko sa kotse ko yung toolbox, pero tangina pa rin. sino pa ba ang paghihinalaan ko pagkatapos ng mga nalaman kong pinaggagagawa nung gagong yun sa garahe namin? sabi ko nga, ni hindi ko man sya pinaghinalaan sa mga nawawala sa garahe. tae sya magmaneho, sinungaling at mayabang sya. peo hindi ko sya pinaghinalaang magnanakaw nun.

ang masakit at nakakatawa lang dito, simabi ko kay jacob kaninang umaga na hindi ako makakadala ng warmachine kanina kasi na carnap ng pulis yung kotse ko kaninang umagang umaga at andun yung toolbox. "na carnap ng pulis" ang sinasabi ko kapag ginagamit ng tatay ko (na isang retired na pulis) yung kotse ko ng hindi nagsasabi sakin.

e hindi naman mawawalan ng gamit yung kotse ko pag gamit nun kasi mas maingat pa sakin yun pag dating sa sasakyan.

ang tao talaga...

Tuesday, December 13, 2005

wahahahahahahahahahahaahahahahaahahah

aaaaaaaaaaahahahaahahahahaah putangina!!!!!!!!!!!!!!!

yeah! bawi!

nabawasan pala ako ng 1 pound. hehehehehe. ayus. bawi yung halos buong araw na init ng ulo ko kahapon.

tapos ngayon ngayon lang, may nakita akong jeep na hinuli ng pulis kasi pula na dumiretso pa si gago.

haayyyyyyyyyyyy

Monday, December 12, 2005

responsibility according to ric fernando

soooooo tignan ko lang kung naiintindihan ko ito ha.

madumi yung sasakyan. kahapon, dinala mo yang sasakyan sa sabungan pagkatapos mong sabihin sakin nung umaga na yung kotse ko na muna ang gamitin ko. bale, buong araw mo syang gamit kung ganun.

tapos ngayon, umagang umaga, sisitahin mo AKO na marumi yung sasakyan?

e putangina, bakit hindi mo pinalinis? hindi ako naniniwala sa sinabi mong mahab ang pila sa carwash sa shorthorn. may dalawang malaking carwash dun. at ilang mga maliit. kung di man dun meron din dalawa pang malaking carwash sa road20 at isang maliit.

mahaba ang pila, ulul. ni minsan hindi pa ako nakadaan dun ng linggo na puno yung carwash.

YAN BA ANG PUTANGINANG "RESPONSIBILIDAD" NA SINASABI MO SA AKIN?!

...ano pa ba ang aasahan mo sa isang tao na tatawag pa ng tao mula sa kabila ng bahay para iliapat ang stasyon ng tv.

Friday, December 02, 2005

nosey nosey nosey people

tae ka. kung may pakielam ako sa tingin mo sa mga nangyayari sa buhay ko di sana sinabi ko na rin sayo itong blog ko.

kundi lang tayo mag kamag-anak, nakoooooooo...

bumalik ka na sa iyong lunggang pinanggalingan. para mo nang awa!