green green green. ay mali orange pala!

Monday, January 23, 2006

baril barilan

why is it that whenever im having fun or have found a reason to be happy, my parents always find a way to shoot me down.

----------

anyhoo

nakapglaro na ko ng airsoft kahapon. salamat kay obi sa pagpapahiram ng mask (na nasira ko...) at gloves (na pingpawisan ko) at baril (na...hindi ko nagamit ng maayos :P), at kay jacob na nagpahiram sakin nung parka nya.

nung nagsimula ang laro, hindi ko alam kung ano gagawin ko kaya sumunod ako kila jun. mali. kasi nagtakbuhan sila papunta sa likod nung mga ruins. kahapon lang ulit ako hiningal ng ganun! pagkatapos, pinaposte nya ako sa kanto ng isang building para magbantay dun. ang tagal kong naghihintay sumakit balakang ko kasi naka pilipit ako para sumilip. tuwing may naririnig akong kumalaluskos tingin agad ako sa likod ko. andun naman nakabantay si zeb yung kasama naming bata. tapos mak nakita kong sumilip barilan na! tangina sinusungkit nalang ako nung gago. e may kasama pala, ayun inikutan ako patay si baboy. pero nabaril din yata sya nila zeba at jun.

naka isang laro lang ako. kasi pagkabalik ko nag yosi ako. patay.

binabawasan ko na paninigarilyo ko. ngayon mababawasan pa sya lalo hanggang matigil na. mag sisimula na rin ako mag jogging. masaya yung laro e kaya lang ang bilis kong hingalin.

nung unang tinamaan ako sabi ko, di naman masakit. ang lapit lapit nun parang pinitik lang ako ng bading. kala ko pa naman malalakas mga baril dun. hehehehe. sabi nung oba sakin baka daw naka acm o all china made yung naka tama sakin. nalaman ko maya maya na masakit nga tumama yung mga modified na gawang hapon.

nagloko kasi yung baril ni obi. nung inaayos nila, pumutok. may laman pala. tinamaan ako ng ricochet. ang saket! ricochet palang yun. heheheeheh.

kailangan ko nang mag ipon para sa sarili kong baril gusto ko ng p90 at isang revolver. sa susunod na yung sniper rifle.


p90. pogi. bagay sakin. kasi pogi ako. isa isa lang ang batok mga kaibigan. oke? oke.


the colt single action army. the greatest handgun evar made. aka the peacemaker.

maglalgay siguro ko nung iilang litratong nakuha ko bukas o mamyang gabi. naiwan ko sa kotse yung camera e. yung kotse nasa bahay.

4 Comments:

Blogger Obi Macapuno said...

nyahahaha. na-culture shock ka no nung sumigaw ng "game"? naglaho lahat parang ninja. hehe. ganun din ako nung unang sama ko e. nataranta ako nung nagtakbuhan. nyahahaha. ninja vanish.

12:59 PM

 
Blogger wasabi said...

more shock less culture.

"tangina game na? uy sila jun tumatakbo na... TANGINA TUMATAKBO NA SILA JUN! HINTAYIN NYO KOOOOO!!! TEKA LAAAAANG!!!!!"

1:11 PM

 
Blogger Kyuzo said...

Katawang pang-dev squad ka Emp. Mas bagay siguro sayo M-60 o kaya tangke, hindi P90. :lol:

12:55 AM

 
Blogger wasabi said...

ongae.

pero mas gusto ko parin p90.

mahirap magbuhat ng tanke.

8:36 AM

 

Post a Comment

<< Home