metal gear acid. crazy game!
ok so nakakainis gawing music pplayer yung psp.
bket? e kasi psp e. putangina.
so, kumuha ako ng metal gear acid. metal gear e. ayos naman yun. solid snake vs metal gear nanaman.
pero hindeeeeeeeeeeee. putangina ang hirap! nakakasira ng ulo!
pero ayos. masaya masiraan ng ulo.
dapat tinawag nila dun e metal gear tactics. para kasing tactics game (final fantasy tactics, tactics ogre, etc) na may grid yung gagalawan mo. tapos yung actions na pwede mong gawin ay depende sa lalabas na card.
oo cards. bago maglaban e may intermission kung saan pwede kang bumili ng card at ayusin ng iyong deck. halos lahat ng card e pwedeng gamitin para gumalaw, o kaya syempre, gamitin mo yung card mismo. bawat pag gamit ng card e dadagdag sa cost ni snake at ito ang magsasabi kung kelan sya makkagalaw ulit.
may mga weapon card tulad ng na SOCOM o FA-MAS, mga baril mula metal gear solid 1 at 2 e gagamitin mo para -ano pa nga ba- bumaril. may card ng rocket luncher at mga sniper rifle. may mga character card parang ng kakakuha ko lang kaninang si roy campbell. yung yung amo ni snake nung metal gear solid. ngayon sa acid pag ginamit mo yung card nya, magpapatawag sya ng air strike, kahit na nasa loob ka ng isang building. astig diba? asteeeeeeeg.
may kasama si snake na isang pang agent, si teliko, na idol saw si snake nung nagaaral pa lang sya. kaya mas mahirap ng konti ito kesa sa solid e kasi, 2 na sila. 2 na silang kelangan mong ipwesto para di makita ng kalaban. importante pa rin kasi sa acid yung stealth.
hay, pagkatapos ng mga limang ulit, natapos ko na rin yung unang boss. limang beses ko inulit putangina! pangit pa kasi yung mga card ko kaya umulit pa ako ng ibang mission para magkapunto pambili ng card.
sniper deck lang masaya na ako. yun lang.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home