green green green. ay mali orange pala!

Tuesday, January 31, 2006

si emp manunuod ng dula!

naimbitahan ako manood ng romeo and juliet mamaya sa afp theatre (theater?).

oo romeo and juliet. ang dulang -sa tingin ko- e nagpausong magpakamatay ang mga taong sawi sa pag ibig.

"uy si juliet patay na. papakamatay na rin ako. (inom ng lason) bleaaahhhh!"
nagising si juliet
"romeo? romeo? patak ka n ba? syet. (saksak sa puso) bleeeaaahhhhh!"

tapos gagayahin nga ng mga sawi at gagamitin sa mga lokal na pelikula.

"ayaw sayo ni papa! pero di ko kaya mabuhay ng wala ka!"
"ako rin! magpakamatay tayo pareho para magkbati ang ating mga ankan!"
(sabay sila) "bleeeeaaaahhhh!!!!!!!"

----------

tagal ko na rin di nakakanood ng kahit anong palabas sa teatro. di tulad nung sa ateneo basta may palabas ang tanghalang ateneo e bili agad ng tiket. kadalasan dalawa pa. tatlo kung nagustuhan ko yung palabas.

kaya lang nasobrahan yata ako sa style ni ricky abad. sya yung direktor ng t.a. nun at sa kanya, sinabi nya nung kumuha ako ng directing class nya, kung ang ipapalabas mo e kapareha lang ng mga naipalabas na nang ilang daang beses mula ng unang naisulat yung dula, bakit pa?

at mikita mo naman sa pinapalabas nya. yung una kong napanuod e 12th night ni shakespeare. sinalin sa tagalog at nilipat sa isang isla dito sa southeast asia yung setting. tatlo o apat na beses ko yata pinanood. kaya nga nung monologue sa directing class, kumuha ako ng pyesa galing sa titus andronicus at pinasuot ko ng uniporme ng modernong sundalo yung actor ko.

mamaya, bahala na. sabi ko nga matagal na ko di nakakanood ng kahit anong palabas sa teatro. malay ko ba baka iba rin ang istilo ng direktor. baka magustuhan ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home