pesteng tae shet
bakit ba parang laging tigtatatlong taon lang buhay ng kung ano man ang ginanagawa ko. pagdating ng ikatlong taon, pabagsak na ko. pang apat. wala na. swerte kung abutin ng ikalimang taon pero sobrang sabog na ko nun. kung hindi ako tinamad (high school), mawalan ng motibasyon (college), e mga panlabas na pwersa naman ang parang magpapabagsak sakin (itong shop). tangena. ang hirap din pala talaga mag negosyo. puro gastos. halos walang perang natitira sayo. pwede rin namang sablay lang talaga ako. tangina. dalawang buwan na akong hindi nakakapag deposito. lahat ng pera napupunta lang sa sweldo ng katulong, kuryente, at gamit dito. kuryente. yun lang e. mula nung nagbukas ako mga tatlong taon na nakakaraan e hindi naman tumaas gamit ko ng kuryente. bumaba pa nga e. pero! mula nung nagbukas ako e tumaas na ng mahigit apat na libo ang bayad ko sa kuryente. ppa. vat. evat. at kung ano ano pang patong sa bill ng meralco. tangina naman kasi, bakit ko ba kelangang bayaran pati yung mga buwis na tinatakasan ng mga anak ng demonyong mayayamang negosyante na yan? bakit ko pa kailangang bayaran yung mga biniling kontrata ni ramos para sa kuryente na binigyan nya ng sovereign guarantee? tapos kukurakutin lang ng mga taeng politiko na wala namang ginagawa para sa bayan! tangina nilang lahat! sana isang araw e mabilaukan kayo at mamatay habang kumakain kayo sa mga mamahaling restoran gamit ang perang pinghihirapan ko!
tangina naiiyak na ako dito. peste!!!
kelangan ko ng outlet para sa galit ko at sa tingin ko yung isang beses isang linggong gunbang sessions e hindi sapat.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home